Morning Coffee ThoughtsSearch MCT
← Back to MCT Commentary

IS ASIA PREPARING FOR WAR?

IS ASIA PREPARING FOR WAR? MCT Commentary cover. F-22 and maintainers during the Keen Sword 27 training exercise at Tsuiki Air Base, Japan, October 2026; photograph by Airman 1st Class Francisco Huerta, U.S. Air Force, not combat.

I received an email from Ms. Lorna, 65 years old, retired, at taga-Angono, Rizal. Ang tanong niya, naghahanda na ba ang Asia para sa giyera? At kung magkaroon nga ng giyera, ano ang mga warning signs na dapat nating bantayan? Posible bang madamay ang Pilipinas?

I am not an expert in Asia-Pacific security or military affairs. Pero matagal ko nang sinusundan ang mga balita sa region. So ang ginawa ko, pinagtabi-tabi ko ang mga developments para makita kung may koneksyon ang mga ito, at kung ano ang posibleng mangyari sa atin.

And I have to admit, this is one of those things na habang sinusulat ko, I sincerely pray that I'm wrong. Dahil kung papunta nga sa giyera ang mga nangyayari ngayon, hindi lang mga bansang direktang involved ang maaapektuhan. Pati tayo.

MILITARY SPENDING

So, Ms. Lorna, ito ang nakita ko. According to the Stockholm International Peace Research Institute, umabot sa 681 billion US dollars ang military spending sa Asia at Oceania noong 2025. That's an 8.1 percent increase in real terms from the previous year.

Sa China, tumaas ang military spending ng 7.4 percent. Sa Japan, 9.7 percent. At sa Taiwan, 14 percent.

Malalaking increases ito. Pero hindi ibig sabihin na kapag gumagastos ang isang bansa sa military, naghahanda na itong umatake. Kaya tiningnan ko rin kung ano ang ginagawa ng kanilang armed forces.

CHINA, TAIWAN AT JAPAN

Unahin natin ang China at Taiwan. Matagal nang may military exercises ang China sa paligid ng Taiwan. May warships, fighter jets, at naval at air operations na puwedeng gamitin para kontrolin ang mga daanan papunta sa isla.

Isa sa mga posibleng gawin ng China, ayon sa military analysts, ay blockade. Ibig sabihin, puwedeng harangan ang mga barko at eroplano na papasok o lalabas ng Taiwan. Hindi nila kailangang agad magpadala ng libo-libong sundalo para lusubin ang isla.

At malaking problema iyon para sa Taiwan dahil dependent sila sa international trade, lalo na sa imported energy. Kapag tumagal ang blockade, puwedeng magkaroon ng shortages, masira ang economy, at madamay ang international trade. Kaya ang Taiwan, nagpapalakas din ng defenses at nagte-training kung paano haharapin ang blockade o invasion.

Sa Japan naman, nitong October 2026, nagkaroon sila ng malaking military exercise kasama ang United States. Keen Sword 27 ang pangalan. Around 45,000 Japanese personnel at 11,000 American troops ang lumahok. Kasama sa training ang air and missile defense, maritime operations, at operations sa mga isla ng Japan na malapit sa Taiwan.

Now, bakit ginagawa ito? Puwedeng paghahanda para sa possible conflict. Pero puwede rin itong deterrence.

Ang deterrence, simple lang ang idea. Pinapakita mo sa kalaban na kaya mong lumaban para magdalawang-isip siyang umatake. Ang problema, puwedeng iba ang interpretation ng kabilang bansa. Baka isipin nilang naghahanda ka nang umatake, kaya magpapalakas din sila ng military.

At doon puwedeng magsimula ang mas malaking problema. Ngayon, punta tayo sa Pilipinas.

PAANO MADADAMAY ANG PILIPINAS?

May military cooperation tayo sa United States, Japan, Australia, at iba pang defense partners. May joint exercises, improvements sa military facilities, at mga bagong defense capabilities. At kung titingnan ninyo ang mapa, malapit tayo sa Taiwan.

Nasa north lang ng Luzon ang Taiwan. Sa pagitan natin ay ang Bashi Channel, isang importanteng daanan ng commercial at military vessels. Kung magkaroon ng conflict sa Taiwan, posible tayong maapektuhan kahit hindi tayo sumali sa giyera.

Puwedeng ma-disrupt ang shipping routes, tumaas ang fuel prices, at magkaroon ng problema sa international trade. At dahil may access ang American forces sa ilang military facilities natin under EDCA, magiging mas sensitive ang sitwasyon kung masangkot ang United States.

Pero hindi ibig sabihin na dahil may EDCA, automatic na sasali tayo sa giyera. May mga legal at political decisions pa na kailangang gawin. So, ibig bang sabihin nito, malapit na ang giyera?

Hindi natin masasabi. Ang military buildup at military exercises, hindi sapat na ebidensiya na may planong umatake. Kaya ito ang mas gusto kong bantayan.

MGA WARNING SIGNS

Una, unusual troop movements. Kapag may biglaang paglipat ng maraming sundalo sa mga lugar na posibleng magkaroon ng conflict, lalo na kung hindi bahagi ng scheduled exercises.

Pangalawa, military mobilization. Kapag tinatawag na ang reserve soldiers para sa active duty.

Pangatlo, logistics buildup. Ito ang malaking movement ng fuel, ammunition, military vehicles, medical supplies, at iba pang kailangan para suportahan ang isang military operation.

Bakit ko binabantayan ang logistics? Dahil hindi puwedeng puro sundalo at armas lang ang dala mo sa giyera. Kailangan mo ng pagkain, fuel, ammunition, medical support, at transport para tuloy-tuloy ang operations.

Kung maglulunsad ang China ng full-scale invasion sa Taiwan, kailangan nilang maglipat ng napakaraming sundalo at equipment across the sea. Hindi basta-basta ang ganitong operation. Pero kung blockade ang plano, puwedeng mas kaunti ang preparations kaysa sa full-scale invasion, at posibleng mas maikli ang warning time.

Pang-apat, civilian transport. Kapag biglang ginagamit ang commercial ships, ferries, at civilian aircraft para magdala ng troops at military equipment.

At panglima, civilian emergency preparations. Kapag nagsisimula nang mag-evacuate ang mga embassies, inilalayo ang military families, o naghahanda ang hospitals at emergency shelters para sa posibleng maraming casualties.

Now, hindi ibig sabihin na kapag may nakita tayong isa sa mga ito, may giyera na agad. Pero kapag maraming warning signs ang nangyayari nang sabay-sabay, ibang usapan na iyon.

HANDA BA ANG MGA PILIPINO?

At dito ako nag-aalala para sa Pilipinas. Handa ba tayo kung magkaroon ng regional war? Hindi ko pinag-uusapan kung ilan ang fighter jets o missiles natin. Ang iniisip ko, paano ang ordinaryong Pilipino?

Paano kung biglang tumaas ang presyo ng gasolina dahil naapektuhan ang shipping? Paano kung magkaroon ng problema sa supply ng pagkain at ibang imported products? Paano ang mga OFWs natin sa Taiwan, Japan, at iba pang lugar na puwedeng maapektuhan?

May evacuation plans ba tayo? May emergency supplies? Alam ba ng mga tao kung saan pupunta at ano ang gagawin kung magkaroon ng emergency?

Ito ang gusto kong marinig mula sa gobyerno. Ano ang plano natin para sa civilians? Kasi kahit hindi tayo direktang makipaggiyera, puwede pa rin tayong tamaan ng consequences.

PAGHAHANDA, HINDI PREDICTION

So, matapos kong tingnan ang mga developments na ito, ano ang masasabi ko? Yes, may military buildup sa Asia. Tumataas ang military spending, lumalaki ang military exercises, at mas lumalawak ang defense cooperation ng iba't ibang bansa.

Pero sa publicly available information na nakita ko, wala pa akong sapat na ebidensiya para sabihing malapit nang magkaroon ng malaking giyera. At sana, ganoon nga. Sana ang mga preparations na ito ay para pigilan ang giyera, hindi para simulan ito.

Pero kailangan pa rin nating bantayan ang troop movements, military mobilization, logistics, at emergency preparations. At dapat ding tanungin ang gobyerno kung handa ba tayong protektahan ang mga Pilipino kung lumala ang sitwasyon.

Ms. Lorna, hindi ko kayang sabihin sa inyo na walang mangyayaring giyera. Walang makakapangako niyan. Pero ayoko ring magbigay ng impression na siguradong may giyerang darating, dahil wala tayong sapat na ebidensiya para sabihin iyon.

Ang gusto ko lang, aware tayo sa nangyayari at alam natin kung ano ang dapat bantayan. And as I finish writing this, I have one hope.

Sana, after a few years, balikan natin ang mga balitang ito at makita nating walang nangyaring giyera. Because this is one of those times when I would be very happy to be proven wrong.

SOURCES

  1. SIPRI — Trends in World Military Expenditure, 2025https://www.sipri.org/publications/2026/sipri-fact-sheets/trends-world-military-expenditure-2025
  2. Australian Defence — Keen to learn and fly together, October 27, 2026https://news.defence.gov.au/airforce/activity/2026-10-27/keen-learn-and-fly-together
  3. Japan Joint Staff — Keen Sword 27 exercise outline, September 29, 2026https://www.mod.go.jp/js/pdf/2026/p20260929_01e.pdf
  4. Armed Forces of the Philippines — AFP joins Exercise Keen Sword 2026https://www.afp.mil.ph/news/afp-joins-exercise-keen-sword-2026-to-strengthen-interoperability-regional-security
  5. Taiwan Ministry of National Defense — Han Kuang 42 exercise planninghttps://www.mnd.gov.tw/en/News/PressRelease/86484
  6. U.S. Department of Defense — Military and Security Developments Involving the People’s Republic of China, 2025https://media.defense.gov/2025/Dec/23/2003849070/-1/-1/1/ANNUAL-REPORT-TO-CONGRESS-MILITARY-AND-SECURITY-DEVELOPMENTS-INVOLVING-THE-PEOPLES-REPUBLIC-OF-CHINA-2025.PDF
  7. Taiwan Ministry of Environment — Energy security and import dependencehttps://energy.moenv.gov.tw/energy/qa/energy-info/35006.html
  8. Supreme Court of the Philippines — Saguisag v. Executive Secretary, January 12, 2016https://www.lawphil.net/judjuris/juri2016/jan2016/gr_212426_2016.html
  9. Presidential Communications Office — President Marcos FOCAP questions and answershttps://pco.gov.ph/media-interview/qa-with-president-ferdinand-r-marcos-jr-at-the-foreign-correspondents-association-of-the-philippines-focap-presidential-luncheon/
  10. Cover and homepage photograph — Airman 1st Class Francisco Huerta, U.S. Air Force; Keen Sword 27 at Tsuiki Air Base, Japan, October 2026. DVIDS public-domain source.https://www.dvidshub.net/image/10054278
  11. DVIDS copyright and visual-information use guidance.https://www.dvidshub.net/about/copyright

Training exercise photo: F-22 and maintainers during Keen Sword 27 at Tsuiki Air Base, Japan, October 2026. Photograph by Airman 1st Class Francisco Huerta, U.S. Air Force, via DVIDS; public domain. The caption, EXIF and VIRIN give October 26, 2026, while the generic Date Taken field gives October 25; this discrepancy is unresolved. Posted October 28. Proportionally resized and cropped, with a separate typography frame and small photographer credit. This depicts training, not combat. The appearance of U.S. Department of War (DoW) visual information does not imply or constitute DoW endorsement. Photo source and rights links appear in Sources above.

GOOGLE PREFERRED SOURCES

FOLLOW MCT ON GOOGLE

Google’s Preferred Sources feature lets you choose publications you want Google to prioritize for you. Select “Add to Preferred Sources” to make MCT easier to find in Top Stories and other eligible Google results. This does not subscribe you to email.